Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 5

Mga Bilang Rango:

33
Mga Konsepto ng TaludtodPiraso, Isang Ikalima naKasalanan, Ipinahayag naPagpapahayag

Ay kaniyang isusulit nga ang kaniyang kasalanang nagawa: at kaniyang pagbabayarang lubos ang kaniyang sala, at dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi at ibibigay sa pinagkasalahan.

50
Mga Konsepto ng TaludtodLalakeng TupaPagdaragdag, MgaTubusin sa Pamamagitan ng Alay

Datapuwa't kung ang lalake ay walang kamaganak na mapagbabayaran ng sala, ay mapapasa saserdote ang kabayaran ng sala na handog sa Panginoon, bukod sa tupang lalaking pinakatubos na ipangtutubos sa kaniya.

70
Mga Konsepto ng TaludtodEspiritu, Damdaming Aspeto ngYaong Naiingit para sa mga Tao

At ang diwa ng paninibugho ay sasakaniya, at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa at siya'y madudumhan: o kung sasakaniya ang diwa ng paninibugho at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa, at ito'y hindi madudumhan:

76

At ang mga bagay na banal ng bawa't lalake ay magiging kaniya: ang ibigay ng sinomang tao sa saserdote ay magiging kaniya.

104
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Ari-arianHayop, Natatanging Alay na

At ang bawa't handog na itinaas sa lahat ng bagay na banal ng mga anak ni Israel, na kanilang ihaharap sa saserdote ay magiging kaniya.

166
Mga Konsepto ng TaludtodTrigo, Alay naLangisHayop, Pagkaing Alay naLangis para sa mga HandogEfa (Sampung Omer)Tuntunin para sa Handog na ButilYaong Naiingit para sa mga Tao

Ay dadalhin nga ng lalake sa saserdote ang kaniyang asawa, at ipagdadala ng alay ng babae ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng harina ng sebada: hindi niya bubuhusan ng langis o lalagyan man ng kamangyan; sapagka't handog na harina tungkol sa paninibugho, handog na harinang alaala na nagpapaalaala ng kasalanan.

182

Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kung ang asawa ng sinomang lalake ay malilisya, at sasalangsang sa kaniya,

193
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan sa Totoo

At ang ibang lalake ay sisiping sa kaniya, at ito'y makukubli sa mga mata ng kaniyang asawa at ang bagay ay malilihim, at ang babae ay madudumhan at walang saksi laban sa kaniya, o hindi man matututop siya sa pagkakasala;

203
Mga Konsepto ng TaludtodKagalinganKetongKinukulongPagkukulongTulo

Iutos mo sa mga anak ni Israel na ilabas sa kampamento ang bawa't may ketong, at bawa't inaagasan, at ang sinomang karumaldumal sa pagkahipo sa patay:

210

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

226
Mga Konsepto ng TaludtodNasayangHita, MgaPamamagaMga Taong Tali ng PanataPanunumpa

Ay panunumpain nga ng saserdote ang babae ng panunumpang sumpa, at sasabihin ng saserdote sa babae, Ilagay ka ng Panginoon na pinakasumpa at pinakapula sa gitna ng iyong bayan, kung papanglumuhin ng Panginoon ang iyong hita at pamagain ang iyong tiyan;

252
Mga Konsepto ng TaludtodLuwadAbo, Literal na Gamit ngBanal na mga SisidlanDamo

At ang saserdote ay kukuha ng banal na tubig sa isang sisidlang lupa: at sa alabok na nasa lapag ng tabernakulo ay dadampot ang saserdote, at ilalagay sa tubig:

261
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Pagkaing Alay naMasamang TubigMapait na TubigIba pang mga Talata tungkol sa BuhokTuntunin para sa Handog na ButilYaong Naiingit para sa mga Tao

At pahaharapin ng saserdote ang babae sa Panginoon, at ipalulugay ang buhok ng babae, at ilalagay ang handog na harina na alaala sa kaniyang mga kamay, na handog na harina tungkol sa paninibugho: at tatangnan ng saserdote sa kamay ang mapapait na tubig na nagbubugso ng sumpa:

265
Mga Konsepto ng TaludtodKasunduan, Sa Harapan ng DiyosHita, MgaAmenPamamaga

At ang tubig na ito na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa iyong tiyan, at ang iyong katawan ay pamamagain at ang iyong hita ay panglulumuhin. At ang babae ay magsasabi, Siya nawa, Siya nawa.

268
Mga Konsepto ng TaludtodBalumbonPagsusulatMapait na TubigNakasusuklam na PagkainKahatulan, Mga Nasusulat naKapaitanSumpa

At isusulat ng saserdote ang mga sumpang ito sa isang aklat, at kaniyang buburahin sa mapait na tubig:

271
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayo

At ilalapit ng saserdote ang babae, at pahaharapin sa Panginoon:

290
Mga Konsepto ng TaludtodHita, MgaNakasusuklam na PagkainMasamang TubigMapait na TubigPamamagaKapaitanKawalang KatapatanSinaktan at PinagtaksilanSapat na Gulang

At pagka napainom na siya ng tubig, ay mangyayari na kung siya'y nadumhan, at siya'y sumalangsang sa kaniyang asawa, na ang tubig na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa kaniya at magiging mapait, at ang kaniyang katawan ay mamamaga at ang kaniyang hita ay manglulumo: at ang babae ay magiging sumpa sa gitna ng kaniyang bayan.

292
Mga Konsepto ng TaludtodMapait na TubigNakasusuklam na PagkainMasamang TubigKapaitanKawalang Katapatan

At kaniyang ipaiinom sa babae ang mapait na tubig ng nagbubugso ng sumpa at tatalab sa kaniya ang tubig na nagbubugso ng sumpa, at magiging mapait.

293
Mga Konsepto ng TaludtodKautusan tungkol sa PagtatalikKatulad na Kasarian, Pagaasawa sa

Datapuwa't kung ikaw ay tunay na nalisya sa iba na di mo asawa, at kung ikaw ay nadumhan, at ibang lalake ay sumiping sa iyo, bukod sa iyong asawa:

306
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Namumuhay Kasama NatinTuntunin para sa Lalake at Babae

Lalake at babae ay kapuwa ninyo ilalabas, sa labas ng kampamento ilalagay ninyo sila; upang huwag nilang ihawa ang kanilang kampamento na aking tinatahanan sa gitna.

307

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

320

At ginawang gayon ng mga anak ni Israel, at inilabas sa labas ng kampamento: kung paanong sinalita ng Panginoon kay Moises ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel.

329
Mga Konsepto ng TaludtodIwinagayway na HandogHayop, Natatanging Sinunog na Alay naYaong Naiingit para sa mga Tao

At kukunin ng saserdote sa kamay ng babae ang handog na harina tungkol sa paninibugho at kaniyang aalugin ang handog na harina sa harap ng Panginoon, at dadalhin sa dambana:

332
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Naiingit para sa mga Tao

Ito ang kautusan tungkol sa paninibugho, pagka ang isang babae ay nalilisiya sa lalaking di niya asawa, at nadumhan;

337
Mga Konsepto ng TaludtodKonseptoHindi Naparusahan

At kung ang babae ay hindi nadumhan, kundi malinis; ay magiging laya nga at magdadalang-tao.

339
Mga Konsepto ng TaludtodPanata ng TaoMapait na TubigKawalang PakikipagtalikMasamang TubigHindi NaparusahanMga Taong Tali ng Panata

At siya'y papanunumpain ng saserdote, at sasabihin sa babae, Kung walang sumiping sa iyo na ibang lalake, at kung di ka nalisya sa karumihan, sa isang hindi mo asawa, ay maligtas ka nga sa mapapait na tubig na ito na nagbubugso ng sumpa:

357
Mga Konsepto ng TaludtodNakasusuklam na Pagkain

At ang saserdote ay kukuha ng isang dakot ng handog na harina na pinakaalaala niyaon at susunugin sa ibabaw ng dambana, at pagkatapos ay ipaiinom sa babae ang tubig.

358
Mga Konsepto ng TaludtodNatagpuang may SalaHindi NagkasalaKahihinatnan

At ang lalake ay maliligtas sa kasamaan, at ang babae ay siyang magdadala ng kaniyang kasamaan.

359
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Naiingit para sa mga TaoDamdamin

O pagka ang diwa ng paninibugho ay sumasaisang lalake, at naninibugho sa kaniyang asawa; ay pahaharapin nga ang babae sa Panginoon at gagawin ng saserdote sa kaniya ang buong kautusang ito.

437

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

486
Mga Konsepto ng TaludtodLalake at Babae

Salitain mo sa mga anak ni Israel, Pagka ang isang lalake o babae ay nakagawa ng anomang kasalanan na nagagawa ng mga tao, na sumasalangsang laban sa Panginoon at ang gayong tao ay naging salarin;