Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Obadias

  • Kapitulo
    1

Obadias Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang Hindi Mahahalagang Tao

Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.

2

Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?

3
Mga Konsepto ng TaludtodSarili, Pagtataas saAstronotYaong mga LumilipadLuciferLumilipadPumailanglang

Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.

4
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Winawasak ang Banyagang mga BansaLuciferMagnanakaw, Mga

Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?

5
Mga Konsepto ng TaludtodNinanakawan ang mga Tao

Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!

6
Mga Konsepto ng TaludtodInililigtas ang mga TaoZion

At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

7
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay na MangyayariIba pang Taong MalulungkotPagtagumpayan ang Kahirapan

At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.

8
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatanKaibigan, Hindi Maasahang mgaGrupong PinaalisTao, Mapayapang mgaPagkakaibigan at Tiwala

Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya.

9
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay na MangyayariKahihiyan ay Darating

Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.

10
Mga Konsepto ng TaludtodPaparating na PangyayariDiyos na Ginawang Dumami ang KasamaanDiyos na Nagliligtas sa Kasalanan at KamatayanNalalapit na Panahon, Pangkalahatan

Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.

11

Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?

12
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga Israelita

At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.

13

Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.

14
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabulagPagliligtasPagmamay-ari, MgaZion

Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari.

15
Mga Konsepto ng TaludtodNagagalak sa Masama

Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.

16
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Lumilisan

Sapagka't kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.

17
Mga Konsepto ng TaludtodPaglakiping Muli

At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.

18
Mga Konsepto ng TaludtodNagagalak sa MasamaLikas na mga Sakuna

Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.

19

At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.

20
Mga Konsepto ng TaludtodAng Sepela

At silang sa Timugan, ay mangagaari ng bundok ng Esau, at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.

21
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiyang PangitainKinatawan, Talinghagang GamitMabuting BalitaHanda na sa DigmaanLabananUsap-Usapan

Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.