Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ruth 3

Ruth Rango:

22
Mga Konsepto ng TaludtodNakahiga upang Magpahinga

At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin.

28
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga Tao

At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin.

35
Mga Konsepto ng TaludtodPananamitTinatakpan ang KatawanKatapatanPag-aasawa, Mga Pagbabawal tungkolKatubusan sa Bawat ArawRuthKasal, MgaSino ito?Ako ay ItoPanahon ng Pagmamahalan

At sinabi niya, Sino ka? At siya'y sumagot, Ako'y si Ruth, na iyong lingkod: iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay malapit na kamaganak.

36
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga Tao

At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan.

38
Mga Konsepto ng TaludtodKabutihanPakikitungo sa mga KabataanMahirap at MayamanKabataang Mag-asawaNawa'y Pagpapalain ng Diyos

At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.

41
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na mga BagayIba pang mga Panukat ng Dami

At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya'y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya'y pumasok sa bayan.

42
Mga Konsepto ng TaludtodAlkohol, Paggamit ngNakahiga upang MagpahingaKumain at Umiinom

At nang si Booz ay makakain at makainom, at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga.

44
Mga Konsepto ng TaludtodMaringal na KababaihanMabuting BabaeTakot at KabalisahanKababaihan, Lakas ng mgaMabuting BabaeHalagaEtikaKahusayan

At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait.

50
Mga Konsepto ng TaludtodHating Gabi

At nangyari, sa hating gabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan.

53
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatunayBalo, Mga

At tunay nga na ako'y kamaganak na malapit; gayon man ay may kamaganak na lalong malapit kay sa akin.

55
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid ng Langis, KaugalianPagpahid na LangisLangis na PampahidPabangoDinaramtan ang SariliPanlabas na KasuotanPagpahid ng Langis sa SariliMalinis na mga MukhaKumain at UmiinomMga Taong Nakilala

Maligo ka nga, at magpahid ka ng langis, at magbihis ka at bumaba ka sa giikan: nguni't huwag kang pakilala sa lalake, hanggang siya'y makakain at makainom.

61
Mga Konsepto ng TaludtodSeksuwal na Kadalisayan, Halimbawa ng

Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni't kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan.

63
Mga Konsepto ng TaludtodAgrikultura, Mga Kataga saTrigoNagtatahipKamag-Anak, Mga

At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan.

65
Mga Konsepto ng TaludtodAnong Pamamaraan?

At nang siya'y pumaroon sa kaniyang biyanan, ay sinabi niya, Ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake.

69
Mga Konsepto ng TaludtodMadaling ArawHindi Nakikilala ang mga TaoHanggang sa Pagbubukang LiwaywayHuwag Sabihin

At siya'y nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan: at siya'y bumangong maaga bago magkakilala ang isa't isa. Sapagka't kaniyang sinabi, Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan.

72
Mga Konsepto ng TaludtodKapahingahan, KawalangPaghihintayTao, Natapos Niyang GawaKapahingahanPaghihintay hanggang sa MagasawaPagtatapos ng Malakas

Nang magkagayo'y sinabi niya, Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagka't ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito.

80
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na mga BagayWalang Lamang KamayIba pang mga Panukat ng Dami

At sinabi niya, Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin; sapagka't kaniyang sinabi, Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan.

81
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanapAma at ang Kanyang Anak na Babae

At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng kapahingahan, na ikabubuti mo?