Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Zacarias 5

Zacarias Rango:

48
Mga Konsepto ng TaludtodBasket, Sagisag ngLahat ay Nagkasala

At aking sinabi, Ano yaon? At kaniyang sinabi, Ito ang efa na lumalabas. Sinabi niya bukod dito, Ito ang kawangis nila sa buong lupain.

70
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag ng KabahayanSaligan ng mga bagay

At sinabi niya sa akin, Upang ipagtayo siya ng bahay sa lupain ng Shinar: at pagka nahanda na, siya'y malalagay roon sa kaniyang sariling dako.

73
Mga Konsepto ng TaludtodGawa ng Pagbubukas, AngKababaihan sa PropesiyaKaloob

(At, narito, itinaas ang isang talentong tingga); at ito'y isang babae na nauupo sa gitna ng efa.

87
Mga Konsepto ng TaludtodTinatakan ang mga BagayIbinababa ang mga BagayAng Pagpasok ng KasalananKasamaanTimbang

At kaniyang sinabi, Ito ang kasamaan; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa: at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon.

103
Mga Konsepto ng TaludtodLangit at LupaPakpakIbon, Uri ng mgaPakpak ng IbonKababaihan sa PropesiyaDalawang BabaeBagay na Itinaas, MgaMakalangit na PangitainLumilipad

Nang magkagayo'y itinanaw ko ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang dalawang babae, at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak: at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit.

112
Mga Konsepto ng TaludtodSaan Tutungo?

Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Saan dinadala ng mga ito ang efa?

137
Mga Konsepto ng TaludtodLumilipad

Nang magkagayo'y itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, isang lumilipad na balumbon.

155
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan at Nakikita

Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas, at nagsabi sa akin, itanaw mo ngayon ang iyong mga mata, at tingnan mo kung ano ito na lumalabas.

162
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahan, Legal na Aspeto ngPanunumpa ng Panata, MalingAng Sumpa ng KautusanPanunumpa

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon.

167
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwaganPangitain at mga Panaginip sa KasulatanMahabang mga BagaySukat ng Ibang mga BagayLumilipad

At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko.

172
Mga Konsepto ng TaludtodPanunumpa ng Panata, MalingItinakuwil na Batong PanulukanKabahayan, Nilulusob na mgaKahoy at BatoPanunumpaLumilipadMagnanakaw, Mga

Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at tatahan sa gitna ng bahay niya, at pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon.