6 Talata sa Bibliya tungkol sa Alangalang sa Iba
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak.
Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid.
At tungkol sa akin, narito, aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin:
Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel. Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin. At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel.
Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.
Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;