11 Talata sa Bibliya tungkol sa Amalekeyo
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim, at ang mga Zuzita sa Ham, at ang mga Emita sa Shave-ciriataim. At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang. At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar.
Nang magkagayo'y dumating si Amalec, at nakipaglaban sa Israel sa Rephidim.
At ang mga Madianita at ang mga Amalecita at ang lahat ng mga anak sa silanganan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan. At nang dumating si Gedeon, narito, may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama, at kaniyang sinabi, Nanaginip ako ng isang panaginip; at, narito, isang munting tinapay na sebada, ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian, at umabot sa tolda, at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak, at natiwarik, na ang tolda'y lumagpak. At sumagot ang kaniyang kasama, at nagsabi, Ito'y hindi iba, kundi ang tabak ni Gedeon, na anak ni Joas, isang lalaking Israelita, na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya.magbasa pa.
At nangyari, nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip, at ang pagkapaliwanag niyaon, na siya'y sumamba; at siya'y bumalik sa kampamento ng Israel, at sinabi, Tumindig kayo; sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian. At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong, at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak, at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga. At kaniyang sinabi sa kanila, Masdan ninyo ako, at inyong parisan: at, narito, pagka ako'y dumating sa pinakahuling bahagi ng kampamento, ay mangyayari, na kung anong aking gawin ay siya ninyong gagawin. Pagka ako'y hihihip ng pakakak, ako at lahat na kasama ko, ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak, sa buong palibot ng buong kampamento, at sabihin ninyo, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon. Sa gayo'y si Gedeon, at ang isang daang lalake na kasama niya ay napasa pinakahuling bahagi ng kampamento sa pasimula ng pagbabantay sa hating gabi, ng halos kahahalili lamang ng bantay: at sila'y humihip ng mga pakakak, at kanilang binasag ang mga banga na nasa kanilang mga kamay. At hinipan ng tatlong pulutong ang mga pakakak, at binasag ang mga banga, at itinaas ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay, at ang mga pakakak sa kanilang kanang kamay na kanilang hinihipan, at sila'y naghiyawan, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon. At sila'y nangakatayo, bawa't isa, sa kaniyang dako sa palibot ng kampamento: at ang buong hukbo ay tumakbo; at sila'y sumigaw at pinatakas nila. At hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng Panginoon ang tabak ng bawa't isa laban sa kaniyang kasama, at laban sa buong hukbo: at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera, hanggang sa hangganan ni Abelmehola, sa siping ng Tabbat. At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan, ang sa Nephtali, at ang sa Aser, at sa buong Manases, at hinabol ang Madian. At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing maburol ng Ephraim, na sinasabi, Lusungin ninyo ang Madian, at agapan ninyo ang tubig, hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. Sa gayo'y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan, at inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. At kanilang hinuli ang dalawang prinsipe sa Madian, si Oreb at si Zeeb: at kanilang pinatay si Oreb sa batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb, at hinabol ang Madian: at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan.
Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila.
At umahon si David at ang kaniyang mga lalake, at sinalakay ang mga Gesureo, at ang mga Gerzeo, at ang mga Amalecita; sapagka't ang mga yaon ay dating nangananahan sa lupain, mula nang gaya ng kung ikaw ay paroroon sa Shur, hanggang sa lupain ng Egipto.
At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi.
At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at ang bayan ay tumaghoy na mainam. At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala. At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong?magbasa pa.
Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway. Sapagka't nandoon ang mga Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo. Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento. Nang magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa Horma.
At kaniyang tinipon ang mga anak ni Ammon at ni Amalec; at siya'y yumaon at sinaktan niya ang Israel, at kanilang inari ang bayan ng mga puno ng palma.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat, at ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit.
Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto; Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siya'y hindi natakot sa Dios. Kaya't mangyayari, na pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin, ay iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin.
At nangyari, pagkamatay ni Saul, nang magbalik si David na mula sa pagpatay sa mga Amalecita, at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag; Ay nangyari, sa ikatlong araw, na narito, ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na hapak ang kaniyang suot, at may lupa ang kaniyang ulo: at nagkagayon, na nang dumating siya kay David, ay nagpatirapa at nagbigay galang. At sinabi ni David sa kaniya, Saan ka nanggaling? At kaniyang sinabi sa kaniya, Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako.magbasa pa.
At sinabi ni David sa kaniya, Ano ang nangyari? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin. At siya'y sumagot: Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka, at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin. At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya: Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay? At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay, Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa, narito, si Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat; at, narito, hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo. At nang siya'y lumingon, kaniyang nakita ako, at tinawag niya ako, at ako'y sumagot: Narito ako. At sinabi niya sa akin, Sino ka? At ako'y sumagot sa kaniya, Ako'y isang Amalecita. At kaniyang sinabi uli sa akin, Tumayo ka sa siping ko, isinasamo ko sa iyo, at patayin mo ako, dahil sa dinatnan ako ng panglulumo; sapagka't ang aking buhay ay lubos ko pang taglay. Sa gayo'y tumayo ako sa siping niya, at aking pinatay siya, sapagka't talastas ko na siya'y hindi mabubuhay pagkatapos na siya'y nabuwal: at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo, at ang pulsera na nasa kaniyang kamay, at aking dinala rito sa aking panginoon. Nang magkagayo'y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya: At sila'y tumangis, at umiyak, at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw, dahil kay Saul, at dahil kay Jonathan na kaniyang anak, at dahil sa bayan ng Panginoon, at dahil sa sangbahayan ng Israel; sapagka't sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak. At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya, Taga saan ka? At siya'y sumagot: Ako'y anak ng isang taga ibang lupa, na Amalecita. At sinabi ni David sa kaniya, Bakit hindi ka natakot na iunat mo ang iyong kamay na patayin ang pinahiran ng langis ng Panginoon? At tinawag ni David ang isa sa mga bataan, at sinabi, Lumapit ka, at daluhungin mo siya. At kaniyang sinaktan siya, na anopa't namatay. At sinabi ni David sa kaniya, Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo; sapagka't ang iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo, na nagsasabi, Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon.