22 Talata sa Bibliya tungkol sa Anak, Pagiging
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,
Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama.
Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:
At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito.
Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili iba't, ang pagtubos sa ating katawan.
Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.
Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.
Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.
Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.
Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.
Na siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso.
Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan;
Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,
At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.
Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.
At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.
Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
Mga Katulad na Paksa
- Abba
- Alipin ng Diyos, Mga
- Ama at ang Kanyang Anak na Babae
- Anak ng Diyos
- Anak, Mga
- Ang Banal na Espiritu at Panalangin
- Ang Banal na Espiritu sa Iglesia
- Bayan ng Diyos sa Bagong Tipan
- Diyos, Pagka-Ama ng
- Ebanghelyo, Pangako ng
- Espirituwal na Buhay
- Espirituwal na Pag-aampon
- Ilalim ng Kautusan, Sa
- Inampon dahil sa Biyaya ng Diyos
- Kalayaan
- Kalayaan sa Kautusan
- Karuwagan
- Katubusan
- Katubusan sa Bagong Tipan
- Kristyano, Bansag sa mga
- Kristyano, Mga
- Kristyano, Tinatawag na mga Anak ng Diyos
- Mananampalataya bilang mga Anak ng Diyos
- Mga Anak ng Diyos
- Napasailalim sa Masama
- Pag-ampon
- Pag-ampon sa Pamamagitan ni Cristo
- Pag-ampon, Dulot ng
- Pag-ampon, Kalikasan ng
- Pag-ampon, Katiyakang Hatid ng
- Pag-ampon, Larawan ng
- Pagiging Bata
- Pagiging Takot
- Pagkakaalam tungkol sa Kaharian ng Diyos
- Pagkakumbinsi
- Pakikipagniig
- Panalangin bilang Relasyon sa Diyos
- Pangaalipin
- Pangaalipin, Espirituwal na
- Pangalan at Titulo para sa Banal na Espiritu
- Pinagmumulan ng Espirituwal na Buhay
- Pinalaya sa Takot
- Tinatahanan ng Espiritu Santo
- Ulila, Mga
- Uri
- Wika, Mga