9 Talata sa Bibliya tungkol sa Ang Hindi Mapapatawad na Kasalanan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
Nguni't sila'y nanganghimagsik, at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila.
Datapuwa't sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan:
Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?
Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.
Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.
Mga Katulad na Paksa
- Alay, Mga Uri sa Lumang Tipan
- Ang Banal na Espiritu, Pagiging Laban sa Kanya
- Banal na Espiritu, Persona ng
- Espirituwalidad
- Hindi Maligaya
- Hindi Pagpapatawad
- Itinakuwil, Mga
- Kaparusahan
- Kasalanan Laban sa Banal na Espiritu
- Kasalanan at ang Katangian ng Diyos
- Kasalanan na Laban sa Espiritu Santo
- Katubusan
- Kawalang Pitagan
- Labanan ang Espiritu Santo
- Nagdadalamhating Diyos
- Pagkawala ng Mahal sa Buhay
- Pamumusong laban sa Espiritu Santo
- Pangalan at Titulo para sa Banal na Espiritu