22 Talata sa Bibliya tungkol sa Ang Sumpa ng Kautusan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy:
Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;
At mangyayari, na pagka ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa iyo, ang pagpapala at ang sumpa na inilagay ko sa harap mo, at iyong mga didilidilihin sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa iyo ng Panginoon mong Dios.
At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.
At mangyayari, na pagka ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, na iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim, at ang sumpa sa bundok ng Ebal.
At ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa; ang Ruben, ang Gad, at ang Aser, at ang Zabulon, ang Dan, at ang Nephtali. At ang mga Levita ay sasagot, at magsasabi ng malakas na tinig sa lahat ng mga lalake sa Israel. Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.magbasa pa.
Sumpain yaong sumira ng puri sa kaniyang ama o sa kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong bumago ng muhon ng kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong magligaw ng bulag sa daan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong magliko ng matuwid ng taga ibang bayan, ng ulila at ng babaing bao. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong sumiping sa asawa ng kaniyang ama; sapagka't kaniyang inilitaw ang balabal ng kaniyang ama. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong sumiping sa alinmang hayop. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, sa anak ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong sumakit ng lihim sa kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong tumanggap ng suhol upang pumatay ng isang taong walang sala. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.
Nguni't mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo. Susumpain ka sa bayan, at susumpain ka sa parang. Susumpain ang iyong buslo at ang iyong palayok.magbasa pa.
Susumpain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan. Susumpain ka sa iyong pagpasok, at susumpain ka sa iyong paglabas. Ibubugso ng Panginoon sa iyo ang sumpa, ang kalituhan, at ang saway, sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin, hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo ako.
At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.
Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.
Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.
Sila'y nagsilakip sa kanilang mga kapatid, na kanilang mga mahal na tao, at nagsisumpa, at nagsipanumpa, na magsilakad sa kautusan ng Dios, na nabigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Dios, at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan;
At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito,
Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.
Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa.
Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.
Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana.
Ay hindi siya patatawarin ng Panginoon, kundi ang galit nga ng Panginoon at ang kaniyang paninibugho ay maguusok laban sa taong yaon, at ang lahat ng sumpa na nasusulat sa aklat na ito ay hihilig sa kaniya, at papawiin ng Panginoon ang kaniyang pangalan sa silong ng langit.
At ihihiwalay siya ng Panginoon sa lahat ng mga lipi sa Israel sa kasamaan, ayon sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan.
Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa lupaing ito, upang dalhin sa kaniya ang buong sumpa na nasusulat sa aklat na ito:
At lahat ng mga sumpang ito ng Panginoon mong Dios ay isasa iyong mga kaaway at sa kanila na nangapopoot sa iyo, na nagsiusig sa iyo.
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon.
At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;