21 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Apoy na Nagmumula sa Diyos

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Samuel 22:9

Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok: Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.

Awit 18:8

Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon.

Daniel 7:10

Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.

Isaias 10:16

Kaya't pangangayayatin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ang kaniyang mga mataba; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy.

Deuteronomio 4:11

At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at salisalimuot na kadiliman.

Deuteronomio 5:23

At nangyari, nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman, samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy, ay lumapit kayo sa akin, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga pangulo sa inyong mga lipi, at ang inyong mga matanda;

Deuteronomio 9:15

Sa gayo'y pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay.

Ezekiel 1:4

At ako'y tumingin, at, narito, isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy.

Awit 105:32

Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain.

Deuteronomio 5:5

(Ako'y tumayo sa pagitan ng Panginoon at ninyo nang panahong yaon, upang ipatalastas sa inyo ang salita ng Panginoon: sapagka't kayo'y natatakot dahil sa apoy, at hindi kayo sumampa sa bundok;) na sinasabi,

Deuteronomio 5:25

Ngayon nga, bakit kami mamamatay? sapagka't pupugnawin kami ng dakilang apoy na ito: kung marinig pa namin ang tinig ng Panginoon nating Dios, ay mamamatay nga kami.

Deuteronomio 18:16

Ayon sa lahat ng iyong ninasa sa Panginoon mong Dios sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay.

Mikas 1:4

At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.

Ezekiel 20:48

At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon; hindi mapapatay.

Awit 29:7

Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.

Isaias 30:27

Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:

Ezekiel 39:6

At ako'y magpapasapit ng apoy sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Joel 2:30

At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok.

Mga Gawa 2:19

At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas, At mga tanda sa lupa sa ibaba, Dugo, at apoy, at singaw ng usok:

Deuteronomio 32:22

Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok.

Never miss a post

n/a