8 Bible Verses about Araw o Gabi

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Psalm 1:2

Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

Psalm 74:16

Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin: iyong inihanda ang liwanag at ang araw.

Genesis 31:39

Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi.

Psalm 91:5

Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw;

Psalm 121:6

Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.

Isaiah 60:11

Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari ay makakasama nila.

Isaiah 34:10

Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.

Zechariah 14:7

Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a