15 Talata sa Bibliya tungkol sa Atas na Paglilingkod sa Pamahalaan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila; Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo.
At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan: At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila. Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai.
Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka.
Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon. At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Beth-el, sa lupaing maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol. At kaniyang ipinatawag si Barac, na anak ni Abinoam mula sa Cedes-nephtali, at sinabi sa kaniya, Hindi ba ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagutos na sinasabi, Yumaon ka, at pumaroon ka sa bundok ng Tabor, at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon?magbasa pa.
At aking isusulong sa iyo sa ilog Cison, si Sisara, na puno sa hukbo ni Jabin, pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan; at aking ibibigay siya sa iyong kamay.
Nang magkagayo'y si Jerobaal na siyang Gedeon, at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga, at humantong sa bukal ng Harod: at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila, sa dako roon ng Moreh, sa libis. At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin. Kaya't ngayo'y yumaon ka, ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan, na iyong sabihin, Sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad. At bumalik sa bayan ang dalawang pu't dalawang libo; at naiwan ang sangpung libo.magbasa pa.
At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayan ay totoong marami pa; palusungin mo sila sa tubig, at doo'y aking susubukin sila sa iyo: at mangyayari, na sinomang aking sabihin sa iyo, Ito'y sumama sa iyo, yaon sumama sa iyo; at sa sinomang sabihin ko sa iyo, Ito'y huwag sumama sa iyo, yao'y huwag sumama sa iyo. Sa gayo'y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig: at sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Bawa't humimod sa tubig ng kaniyang dila, gaya ng paghimod ng aso, ay iyong ihihiwalay: gayon din ang bawa't yumukong lumuhod upang uminom. At ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake: nguni't ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig. At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako. Sa gayo'y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak: at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa't isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda, nguni't pinigil ang tatlong daang lalake: at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya sa libis.
At ang mga anak ni Benjamin ay binilang nang araw na yaon sa mga bayan, na dalawang pu't anim na libong lalake na humahawak ng tabak, bukod pa ang mga tumatahan sa Gabaa na binilang, na pitong daang piling lalake. Sa kabuoan ng bayang ito ay may pitong daang piling lalake na kaliwete: na bawa't isa'y nakapagpapahilagpos ng pagpapatama ng bato sa isang buhok, at hindi sumasala. At binilang ang mga lalake sa Israel, bukod pa ang sa Benjamin, ay apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak: lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma.
At pumili si Saul para sa kaniya ng tatlong libong lalake sa Israel, na ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Michmas at sa bundok ng Bethel, at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gabaa ng Benjamin: at ang labis ng bayan ay sinugo niya bawa't isa sa kaniyang tolda.
At nagkaroon ng mahigpit na pagbabaka laban sa mga Filisteo sa lahat ng mga araw ni Saul: at sa tuwing nakakakita si Saul ng sinomang makapangyarihang lalake, o ng sinomang matapang na lalake ay kaniyang ipinagsasama.
Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.magbasa pa.
At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ito yaong Benaias na siyang makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak. Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.
At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma: at limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari na nangasumpungan sa bayan: at ang kalihim, ang punong kawal ng hukbo, na humusay ng bayan ng lupain; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain, na nangasumpungan sa bayan.
At sa bayan ay kinuha niya ang isang oficial na inilagay niya sa mga lalaking mangdidigma; at pitong lalake sa kanila na nangakakita ng mukha ng hari, na nasumpungan sa bayan; at ang kalihim ng kapitan ng hukbo, na pumipisan ng bayan ng lupain, at anim na pung katao sa bayan ng lupain, na nangasumpungan sa gitna ng bayan.
At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake. At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa't buwan na halinhinan: isang buwan ay nasa Libano, at dalawang buwan ay sa bahay: at si Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag. At si Salomon ay may pitong pung libong nagsisipagdala ng mga pasan at walong pung libong mangdadaras sa bundukin:
At si Salomon ay bumilang ng pitong pung libong lalake upang magsipagpasan ng mga pasan, at walong pung libong lalake na mga maninibag ng bato sa mga bundok, at tatlong libo at anim na raan upang mamahala sa kanila.
At ito ang kadahilanan ng atang na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, at ang Megiddo, at ang Gezer.
Tungkol sa buong bayan na naiwan sa mga Hetheo, at mga Amorrheo, at mga Perezeo, at mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa Israel; Ang kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain na hindi nilipol ng mga anak ni Israel, ay sa kanila naglagay si Salomon ng mangaatag na mga alipin, hanggang sa araw na ito.