10 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Atay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 29:13

At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.

Ezekiel 21:21

Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay.

Kawikaan 7:23

Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.

Levitico 3:3-5

At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato. At susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana, sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy; handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

Levitico 3:9-11

At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang taba niyaon, ang buong matabang buntot, ay aalisin niya sa siping ng gulugod; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob. At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw niyaon, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana: pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

Levitico 4:8-10

At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan; ang tabang nakakatakip sa lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin na kalakip ng mga bato, Na gaya ng pagaalis ng sa toro na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambanang pagsusunugan ng handog.

Levitico 7:3-6

At siya'y maghahandog niyaon ng lahat ng taba niyaon; ang buntot na mataba at ang tabang nakatatakip sa lamang loob, At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato: At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; handog nga dahil sa pagkakasala.magbasa pa.
Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon; sa dakong banal kakanin yaon: bagay ngang kabanalbanalan.

Levitico 8:16-17

At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana. Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Levitico 9:8-10

Lumapit nga si Aaron sa dambana at pinatay ang guyang handog dahil sa kasalanan, na yao'y para sa kaniya. At iniharap ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo: at itinubog niya ang kaniyang daliri sa dugo, at ipinahid sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana at ang dugong labis ay ibinuhos sa tungtungan ng dambana: Datapuwa't ang taba at ang mga bato, at ang lamad na nasa atay ng handog dahil sa kasalanan, ay sinunog niya sa ibabaw ng dambana; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Exodo 29:22

Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na itinalaga),

Never miss a post

n/a