6 Talata sa Bibliya tungkol sa Bubwit, Mga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At ang mga ito'y karumaldumal sa inyo, sa mga umuusad na nagsisiusad, sa ibabaw ng lupa: ang bubwit, at ang daga, at ang bayawak ayon sa kaniyang pagkabayawak;
Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.
Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.
Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo. Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na sumira ng lupain, at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain.
At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo, at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol.
At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita.