9 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Budhi sa Pagpapasya

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Roma 14:6

Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios.

Mga Taga-Roma 14:22

Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios. Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan.

Mga Taga-Roma 14:5

May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.

1 Corinto 10:25-26

Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi; Sapagka't ang lupa ay sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.

1 Corinto 10:23-24

Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay. Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.

Mga Taga-Roma 14:14

Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito.

Never miss a post

n/a