13 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Cristo, Pamilya sa Lupa ni

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Juan 2:12

Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum, siya, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangatira roong hindi maraming araw.

Mateo 12:46

Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.

Lucas 8:19

At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid, at sila'y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao.

Lucas 8:20

At may nagsabi sa kaniya, Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid, na ibig nilang makita ka.

Mateo 13:55

Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang kaniyang mga kapatid?

Marcos 6:3

Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila.

Mateo 13:56

At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?

Juan 7:3

Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa.

1 Corinto 9:5

Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas?

Mga Taga-Galacia 1:19

Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon.

Marcos 3:21

At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya'y hulihin: sapagka't kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait.

Never miss a post

n/a