15 Talata sa Bibliya tungkol sa Dalawang Tapyas ng Bato
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios.
At si Moises ay pumihit, at bumaba sa bundok, na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat.
At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.
Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin.
At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata.
Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb, nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa Egipto.
At ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Dios; at sa mga yao'y nasusulat ang ayon sa lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang araw ng kapulungan.
At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan.
Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto.
Sa gayo'y pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira.
At siya'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato.
At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.
Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon sa akin, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato, na gaya ng una, at sampahin mo ako sa bundok, at gumawa ka ng isang kaban na kahoy;
Sa gayo'y gumawa ako ng isang kaban na kahoy na akasia, at ako'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una, at ako'y sumampa sa bundok na aking dala sa aking kamay ang dalawang tapyas.