5 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Denaryo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mateo 18:28

Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo.

Mateo 22:19-21

Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.

Lucas 10:35

At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.

Juan 12:5

Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?

Pahayag 6:6

At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.

Never miss a post

n/a