9 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Diyos, Mga Palaso ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 64:7-10

Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios; sila'y masusugatang bigla ng isang palaso. Sa gayo'y sila'y matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila: ang lahat na makakita sa kanila ay mangaguuga ng ulo. At lahat ng mga tao ay mangatatakot; at kanilang ipahahayag ang salita ng Dios, at may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.magbasa pa.
Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya; at lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.

2 Samuel 22:15

At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila; Kumidlat, at nangatulig sila.

Awit 7:13

Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.

Awit 18:14

At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila; Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila.

Awit 21:12

Sapagka't iyong patatalikurin sila, ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.

Awit 45:5

Ang iyong mga palaso ay matulis; ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo: sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.

Awit 77:17

Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos.

Awit 144:6

Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,

Never miss a post

n/a