10 Bible Verses about Diyos na Nagiingat!

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Psalm 16:1

Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.

Psalm 86:2

Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.

Psalm 140:1

Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao:

Psalm 140:4

Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.

Psalm 40:11

Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon: panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.

Psalm 17:8

Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata, ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,

Psalm 25:21

Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran, sapagka't hinihintay kita.

Psalm 79:11

Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag; ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:

John 17:11

At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin.

Numbers 6:24

Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka:

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a