14 Talata sa Bibliya tungkol sa Diyos na Hindi Sumasagot
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At kayo'y dadaing sa araw na yaon, dahil sa inyong hari na inyong pipiliin; at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon.
Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik.
Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka?
Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot, dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao.
Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas: Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
Sila'y nagsihiyaw, nguni't walang magligtas: pati sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
At si Saul ay humingi ng payo sa Dios: Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel? Nguni't hindi siya sinagot nang araw na yaon.
At nang magusisa si Saul sa Panginoon, ay hindi siya sinagot ng Panginoon, maging sa panaginip man, ni sa Urim man, ni sa pamamagitan man ng mga propeta.
At sinabi ni Samuel kay Saul, Bakit mo binagabag ako sa aking pagahon? At sumagot si Saul, Ako'y totoong naliligalig; sapagka't ang mga Filisteo ay nangdidigma laban sa akin, at ang Dios ay humiwalay sa akin, at hindi na ako sinasagot, kahit sa pamamagitan ng mga propeta, ni ng panaginip man: kaya tinawag kita, upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin.
At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios.
Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot: ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.
Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.