69 Talata sa Bibliya tungkol sa Diyos na Panginoon
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.
At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova. At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.
At nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos. Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon.
Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios. Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.
Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan?
Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan dahil sa kaniyang dakilang pangalan, sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya.
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
At huwag kayong susumpa ng di totoo sa aking pangalan, na anopa't lapastanganin ninyo ang pangalan ng inyong Dios; ako ang Panginoon.
At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, at nilait: at siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomith, na anak ni Dribi sa lipi ni Dan.
At kaniyang sinabi, Sa kinabukasan. At sinabi ni Moises, Mangyayari ayon sa iyong salita: upang iyong maalaman na walang gaya ng Panginoon naming Dios.
Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.
Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay siyang Dios: walang iba.
Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala.
At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.
At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan.
Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari; Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Ang iyong pangalan, Oh Panginoon, ay magpakailan man; ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
Walang banal na gaya ng Panginoon; Sapagka't walang iba liban sa iyo, Ni may bato mang gaya ng aming Dios.
Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
Ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, (huwag mo kaming iligtas sa araw na ito,)
Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig, malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
Walang gaya mo, Oh Panginoon; ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan.
Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.
Ang Panginoon ay naghahari; siya'y nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya'y nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
Pumasok ka sa malaking bato, at magkubli ka sa alabok, sa kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan.
At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.
At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.
Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob. Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.
Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.
Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.
Sumaatin nawa ang Panginoon nating Dios, kung paanong siya'y sumaating mga magulang: huwag niya tayong iwan o pabayaan man;
Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.
Ganito ang sabi ng Panginoon na gumagawa niyaon, ng Panginoon na umaanyo niyaon upang itatag; Panginoon ay siyang kaniyang pangalan:
Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito:
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.
Kaya't sabihin mo sa mga anak ni Israel, Ako'y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan:
At nangyari nang araw ding yaon, na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo.
Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.
At sinabi ni Moises at ni Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel, Sa kinahapunan, ay inyong malalaman, na ang Panginoon ay siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.
Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang huwag kayong maging mga alipin nila; at sinira ko ang mga kahoy ng inyong pamatok, at pinalakad ko kayo ng mga ulong matuwid.
Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto: bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.
At kanilang makikilala, na ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.
At iyong itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.
Sapagka't ang iyong bayang Israel ay iyong ginawang iyong sariling bayan magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.
Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan na hindi makapagligtas? gayon man ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; huwag mo kaming iwan.
Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon.
At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon, pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay, at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila.
At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa. At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito.
Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon. Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan kita, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel: At upang maalaman ng buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat: sapagka't ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.
At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kaniyang sinabi, Panginoon, walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagka't kami ay nagsisitiwala sa iyo, at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, ikaw ay aming Dios; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo. Sa gayo'y sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa, at sa harap ng Juda; at ang mga taga Etiopia ay nagsitakas. At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar: at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami, na anopa't sila'y hindi makabawi, sapagka't sila'y nalansag sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang hukbo; at sila'y nagsipagdala ng totoong maraming samsam.
Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin.
Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian; Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian; Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.magbasa pa.
Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon. Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit; Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin; Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem; Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
Yamang ikaw ay napabayaan at ipinagtanim, na anopa't walang tao na dumadaan sa iyo, gagawin kitang walang hanggang karilagan, na kagalakan ng maraming sali't saling lahi. Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo, at Manunubos sa iyo, Makapangyarihan ng Jacob. Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran.magbasa pa.
Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan. Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian. Ang iyong araw ay hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos. Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin. Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.