8 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Diyos na Sumasaliksik sa Puso

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Roma 8:27

At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.

Pahayag 2:23

At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

Awit 139:1

Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako.

Awit 10:15

Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.

Never miss a post

n/a