11 Talata sa Bibliya tungkol sa Diyos na Sumumpa ng Kapinsalaan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At kaniyang sinabi, Isinumpa ng Panginoon: ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito.
Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway?
Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.
Bukod dito'y iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila, na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain;
Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain;
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan.
Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
At kaya't ako'y sumumpa sa sangbahayan ni Eli, na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay hindi mapapawi ng hain, o handog man magpakailan man.
Sa aking mga pakinig ay sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa katotohana'y maraming bahay ang magigiba, malalaki at magaganda, na walang mananahan.