10 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Epekto ng Alak

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Hukom 9:13

At sinabi ng puno ng ubas sa kanila, Akin bang iiwan ang aking alak, na nagpapasaya sa Dios at sa tao, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?

Mangangaral 10:19

Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.

Zacarias 9:17

Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga;

Zacarias 10:7

At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake, at ang kanilang puso ay mangagagalak na gaya ng sa alak; oo, ito'y makikita ng kanilang mga anak, at mangagagalak: ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon.

Kawikaan 31:6-7

Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw, at ng alak ang mapanglaw na loob. Uminom siya at limutin niya ang kaniyang kahirapan, at huwag nang alalahanin pa ang kaniyang karalitaan.

Habacuc 2:5

Oo, bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan.

Hosea 4:11

Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman.

Kawikaan 23:30

Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.

Never miss a post

n/a