8 Talata sa Bibliya tungkol sa Halo Halong Alak
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.
Sa aba nila na malakas uminom ng alak, at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin:
Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
Ang iyong pilak ay naging dumi, ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.
Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.
At siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi niya tinanggap.
Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang.