6 Talata sa Bibliya tungkol sa Hangganan sa Paligid ng mga Tribo
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan. At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan: At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca:magbasa pa.
At patuloy sa Azmon, at palabas sa batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan. At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan: At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa bato ni Bohan na anak ni Ruben: At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel: At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan: At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim): At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna. At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat. At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:
At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat, na nasa tapat ng Sichem; at ang hangganan ay patuloy sa kanan, hanggang sa mga taga En-tappua. Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases: nguni't ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim. At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat;magbasa pa.
Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan.
At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan: at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose. At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng Beth-aven. At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng Beth-horon sa ibaba.magbasa pa.
At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok. At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran, at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa: At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa libis ng Rephaim na dakong hilagaan; at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa En-rogel; At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes, at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben, At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan, at pababa sa Araba; At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan. At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid: At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam, At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;magbasa pa.
At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea: At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;
At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.