9 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Hayop, Naliligaw na mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 23:4

Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno, na nakawala, ay tunay na ibabalik mo sa kaniya.

Deuteronomio 22:1-3

Huwag mong makikitang naliligaw ang baka ng iyong kapatid o ang kaniyang tupa, at ikaw ay magkukubli sa mga yaon: iyo ngang ibabalik sa iyong kapatid. At kung ang iyong kapatid ay hindi malapit sa iyo, o kung hindi mo siya nakikilala, ay iyo ngang iuuwi sa iyong bahay, at mapapasaiyo hanggang sa hanapin ng iyong kapatid, at iyong isasauli sa kaniya. At gayon ang iyong gagawin sa kaniyang asno; at gayon ang iyong gagawin sa kaniyang damit, at gayon ang iyong gagawin sa bawa't nawalang bagay ng iyong kapatid, na nawala sa kaniya at iyong nasumpungan: huwag kang magkukubli.

Mga Bilang 22:23

At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at ang asno ay lumiko sa daan, at napasa parang: at pinalo ni Balaam ang asno, upang ibalik siya sa daan.

Kawikaan 27:8

Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.

Mateo 18:12-13

Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.

Awit 119:176

Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

Mateo 18:13

At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.

Never miss a post

n/a