7 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Hindi Pinangalanang mga Saserdote
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At itinalaga ni Michas ang Levita, at ang binata ay naging kaniyang saserdote, at nasa bahay ni Michas. Nang magkagayo'y sinabi ni Michas, Ngayo'y talastas ko, na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon, yamang ako'y may isang Levita na pinakasaserdote ko.
At sinabi niya sa kanila, Ganito't ganito ang ginawa sa akin ni Michas, at kaniyang kinayaring upahan ako, at ako'y naging kaniyang saserdote.
At sinabi ni Michas sa kaniya, Tumahan ka sa akin, at ikaw ay maging sa akin ay isang ama at isang saserdote, at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon, at ng bihisan, at ng iyong pagkain. Sa gayo'y ang Levita ay pumasok.
At sinabi nila sa kaniya, Pumayapa ka, itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin, at maging ama at saserdote ka namin: magaling ba kaya sa iyo ang maging saserdote sa bahay ng isang lalake o maging saserdote sa isang lipi at sa isang angkan sa Israel?
At kaniyang sinabi, Inyong kinuha ang aking mga dios na aking ginawa, at ang saserdote, at kayo'y yumaon, at ano pang mayroon ako? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin, Anong mayroon ka?
Nang magkagayo'y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote, sa makatuwid baga'y si Serebias, si Hasabias, at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila.
At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote.