13 Talata sa Bibliya tungkol sa Hindi Sila Itinataboy
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
At ang Panginoon ay sumasa Juda; at kaniyang pinalayas ang mga taga lupaing maburol; sapagka't hindi niya mapalayas ang mga nananahan sa libis, dahil sa sila'y may mga karong bakal.
At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem: kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
At hindi pinalayas ng Manases ang mga taga Beth-sean at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Taanach at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Dor at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Ibleam at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Megiddo at ang mga bayan niyaon: kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa lupaing yaon. At nangyari, nang lumakas ang Israel, na kanilang pinapagatag ang mga Cananeo, at hindi nila lubos na pinalayas. At hindi pinalayas ni Ephraim ang mga Cananeo na tumatahan sa Gezer; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa Gezer sa gitna nila.magbasa pa.
Hindi pinalayas ni Zabulon ang mga nananahan sa Chitron, ni ang mga nananahan sa Naalol; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa gitna nila, at naging mga tagapagpaatag. Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho, ni ang mga taga Sidon, ni ang taga Ahlab, ni ang taga Achzib, ni ang taga Helba, ni ang taga Aphec, ni ang taga Rehob: Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo, na mga taga lupaing yaon: sapagka't hindi nila pinalayas sila. Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes, ni ang mga nananahan sa Beth-anath; kundi siya'y tumahan sa gitna ng mga Cananeo, na nagsisitahan sa lupaing yaon: gayon ma'y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay naging mga tagapagpaatag sa kaniya.
Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at naging mga alilang tagapagatag.
Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon.
At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas.
Ay tatalastasin ninyong lubos na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
Kaya't aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran, at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo.
Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay;
Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon, na hindi niya pinalayas silang biglaan; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue.