9 Bible Verses about Hukay na Sagisag ng Kalungkutan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Isaiah 38:17

Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap: Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan; Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.

Proverbs 28:17

Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao, tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman.

Psalm 40:2

Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.

Job 9:30-31

Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis; Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.

Psalm 88:6

Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman.

Proverbs 22:14

Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon.

Proverbs 23:27

Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw.

Lamentations 3:53-55

Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato. Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay. Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.

Zechariah 9:11

Tungkol sa iyo naman, dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a