19 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Ibinigay ang Sarili sa Kamatayan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sinabi ni Israel kay Jose, Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa.
Ngayo'y papanawin mo, Panginoon, ang iyong alipin, Ayon sa iyong salita, sa kapayapaan, Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At sinabi ni Samson, Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo, At iniubos niya ang kaniyang buong lakas; at ang bahay ay bumagsak sa mga pangulo, at sa buong bayan na nandoon sa loob. Sa gayo'y ang nangamatay na kaniyang pinatay sa kaniyang kamatayan ay higit kay sa pinatay niya sa kaniyang kabuhayan.
Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod, upang ako'y mamatay sa aking sariling bayan, sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina. Nguni't, narito, ang iyong lingkod na Chimham: bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari; at gawin mo sa kaniya, kung ano ang mamabutihin mo.
Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin:
Kung ating sabihin, Tayo'y magsisipasok sa bayan, ang kagutom nga'y nasa bayan, at tayo'y mamamatay roon: at kung tayo'y magsisitigil ng pagkaupo rito, tayo'y mamamatay rin. Ngayon nga'y halina, at tayo'y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria: kung tayo'y iligtas nilang buhay, tayo'y mabubuhay; at kung tayo'y patayin nila, mamamatay lamang tayo.
Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.
At kaniyang sinabi, Ang Panginoon mong Dios ay buhay, ako'y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako'y namumulot ng dalawang patpat, upang ako'y pumasok, at ihanda sa akin at sa aking anak, upang aming makain, bago kami mamatay.
Nang magkagayo'y sinabi ni David sa sugo, Ganito ang iyong sasabihin kay Joab: Huwag mong masamain ang bagay na ito, sapagka't nilalamon ng tabak maging ito gaya ng iba: iyong palakasin pa ang iyong pagbabaka laban sa bayan, at iwasak: at iyong palakasin ang loob niya.
At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.
Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar.
Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin.
Sinabi sa kaniya ni Pedro, Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
Datapuwa't lalo nang nagmatigas siya na sinabi, Kahima't kailangang mamatay akong kasama mo, ay hindi kita ikakaila. At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din.
Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.
Si Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.
Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali, nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata: gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik, nang ako'y dumaing sa iyo.