15 Talata sa Bibliya tungkol sa Insensaryo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Levitico 16:12

At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing:

Pahayag 8:3

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

Mga Hebreo 9:4

Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan;

Mga Bilang 4:14

At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.

Mga Bilang 16:6-7

Ito'y inyong gawin; kumuha kayo ng mga suuban, si Core at ang kaniyang buong pulutong; At lagyan ninyo ng apoy at patungan ninyo ng kamangyan bukas sa harap ng Panginoon: at mangyayari na ang tao na piliin ng Panginoon, ay siyang banal: kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, kayong mga anak ni Levi.

Mga Bilang 16:16-18

At sinabi ni Moises kay Core, Humarap ka at ang iyong buong kapisanan sa Panginoon, ikaw, at sila, at si Aaron, bukas: At kumuha ang bawa't isa ng kaniyang suuban, at lagyan ninyo ng kamangyan, at dalhin ninyo sa harap ng Panginoon, na bawa't isa'y magdala ng kaniyang suuban, na dalawang daan at limang pung suuban; ikaw naman at si Aaron, bawa't isa sa inyo'y may kaniyang suuban. At kinuha ng bawa't isa ang kaniyang suuban, at kanilang nilagyan ng apoy at kanilang pinatungan ng kamangyan, at sila'y tumayo sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan na kasama ni Moises at ni Aaron.

Mga Bilang 16:46

At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na.

1 Mga Hari 7:50

At ang mga saro, at ang mga panggupit ng micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga suuban, na taganas na ginto; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga'y ng templo.

2 Paralipomeno 4:22

At ang mga gunting, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga pangsuob, na taganas na ginto: at tungkol sa pasukan ng bahay, ang mga pinakaloob na pinto niyaon na ukol sa kabanalbanalang dako, at ang mga pinto ng bahay, ng templo, ay ginto.

Mga Bilang 16:37-39

Salitain mo kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na kaniyang kunin ang mga suuban sa sunog, at magkalat ng apoy doon; sapagka't mga banal yaon; Pati ng mga suuban ng mga makasalanang ito laban sa kanilang sariling buhay, at gawin mo sa kanilang mga laminang pinukpok na pinaka pangtakip sa dambana: sapagka't kanilang inihandog sa harap ng Panginoon: kaya't mga banal: at magiging isang tanda sa mga anak ni Israel. At kinuha ni Eleazar na saserdote ang mga tansong suuban na inihandog ng mga nasunog; at kanilang pinukpok na ginawang pinaka pangtakip sa dambana:

Ezekiel 8:11

At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang.

Pahayag 8:5

At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.

Mga Bilang 16:39

At kinuha ni Eleazar na saserdote ang mga tansong suuban na inihandog ng mga nasunog; at kanilang pinukpok na ginawang pinaka pangtakip sa dambana:

Levitico 10:1

At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa't isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila'y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila.

Mga Bilang 16:6

Ito'y inyong gawin; kumuha kayo ng mga suuban, si Core at ang kaniyang buong pulutong;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a