14 Talata sa Bibliya tungkol sa Itinakda ng Tipan sa Sinai

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 34:28

At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.

Deuteronomio 4:13

At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.

Deuteronomio 9:9

Nang ako'y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig.

Deuteronomio 9:11

At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan.

Mga Hebreo 9:4

Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan;

1 Mga Hari 8:21

At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto.

Exodo 24:7

At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.

Exodo 31:16

Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan.

Exodo 24:8

At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan, at sinabi, Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito.

Mga Hebreo 9:20

Na sinasabi, Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.

Zacarias 9:11

Tungkol sa iyo naman, dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.

Mga Hebreo 9:18-20

Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo. Sapagka't nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing, na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang buong bayan, Na sinasabi, Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.

Levitico 2:13

At titimplahan mo ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina, ni huwag mong titiising magkulang sa iyong handog na harina ng asin ng tipan ng iyong Dios: lahat ng alay mo'y ihahandog mong may asin.

Mga Bilang 18:19

Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a