11 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Jesus, Bangkay ni

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mateo 27:58

Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni Pilato na ibigay yaon.

Marcos 15:43

Dumating si Jose na taga Arimatea, isang kasangguni na may marangal na kalagayan, na naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.

Lucas 23:52

Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.

Juan 19:38

At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay.

Juan 19:33

Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:

Lucas 24:3

At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.

Lucas 24:23

At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buhay.

Mateo 27:59

At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,

Marcos 15:45

At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.

Lucas 23:55

At ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.

Juan 20:12

At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus.

Never miss a post

n/a