10 Bible Verses about Jesus bilang Anak ni David

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Matthew 1:1

Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.

Matthew 12:23

At ang buong karamihan ay nangagtaka, at nangagsabi, Ito kaya ang Anak ni David?

Matthew 15:22

At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.

Matthew 21:9

At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan.

Mark 10:48

At siya'y pinagwikaan ng marami upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong sumisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin.

Mark 12:35

At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?

John 7:42

Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa Bet-lehem, ang nayong kinaroonan ni David?

Romans 1:3

Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,

2 Timothy 2:8

Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:

Revelation 5:5

At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a