9 Talata sa Bibliya tungkol sa Kadiliman ng Gabi
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.
At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath.
At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin: aking inilabas ang aking daladalahan sa araw, na gaya ng daladalahan sa paglipat, at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader; aking inilabas sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin.
Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat, at ilalabas sa pagdilim; iyong tatakpan ang iyong mukha, upang huwag mong makita ang lupa: sapagka't inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel.
At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata.
At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus.
Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan.