10 Talata sa Bibliya tungkol sa Kahatulan Ayon sa mga Gawa
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa:
Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.
Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa takot ang panahon ng inyong pangingibang bayan:
At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob: sapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
Kung iyong sinasabi, narito, hindi kami nakakaalam nito: hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; at walang itinatanging mga tao.
Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa: gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!
Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.
Mga Katulad na Paksa
- Binayaran ang Gawa
- Diyos bilang Hukom
- Diyos, Hihingin ng
- Diyos, Hindi Pagtatangi ng
- Diyos, Pagkamaalam sa Lahat ng
- Gantimpala ng Diyos
- Gantimpala para sa Gawa
- Gawain
- Hinaharap
- Hukuman
- Huling Paghuhukom
- Huling mga Bagay
- Humahatol sa mga Gawa ng Iba
- Kahatulan, Araw ng
- Kahatulan, Mga
- Kaparusahan
- Lipunan, Tungkulin sa
- Masamang Palagay
- Motibo
- Paggalang
- Pagtatangi
- Pananagutan sa Diyos
- Sala, Pantaong Aspeto ng
- Walang Hanggang Kahatulan