31 Talata sa Bibliya tungkol sa Kakutyaan, Kinauukulan ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 74:10-18

Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man? Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan? Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila. Gayon ma'y ang Dios ay aking Hari ng una, na nagliligtas sa gitna ng lupa.magbasa pa.
Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan: iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga buwaya sa mga tubig. Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan, ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang. Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog: iyong tinutuyo ang mga malaking ilog. Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin: iyong inihanda ang liwanag at ang araw. Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa: iyong ginawa ang taginit at taginaw. Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon, at nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.

2 Mga Hari 19:4

Marahil ay didinggin ng Panginoon mong Dios ang lahat ng mga salita ni Rabsaces na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios, at sasansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios: kaya't idalangin mo ang labis na natitira.

Isaias 37:4

Marahil ay pakikinggan ng Panginoon mong Dios ang mga salita ni Rabsaces, na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios, at sansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios: kaya't ilakas mo ang iyong dalangin dahil sa nalabi na naiwan.

Lucas 22:63-65

At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay. At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas? At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.

Mateo 26:67-68

Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba, Na nangagsasabi, Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?

Marcos 14:65

At pinasimulang luraan siya ng ilan, at tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok ng mga punong kawal.

Lucas 23:11

At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.

Mateo 27:27-31

Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong. At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube. At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!magbasa pa.
At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo. At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.

Marcos 15:16-20

At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong. At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya. At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio!magbasa pa.
At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba. At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus.

Juan 19:1-3

Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas. At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at siya'y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube; At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nangagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! at siya'y kanilang pinagsuntukanan.

Mateo 27:39-44

At siya'y nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo, At nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus. Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi,magbasa pa.
Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya. Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios. At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.

Marcos 15:29-32

At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo, Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus. Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas.magbasa pa.
Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.

Lucas 23:35-37

At nakatayong nanonood ang bayan. At tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya. At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka, At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

2 Paralipomeno 36:15-16

At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako: Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.

2 Paralipomeno 30:6-10

Sa gayo'y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria. At kayo'y huwag maging gaya ng inyong mga magulang, at gaya ng inyong mga kapatid, na nagsisalangsang laban sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, na anopa't ibinigay niya sila sa pagkapahamak, gaya ng inyong nakikita. Ngayo'y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo'y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo.magbasa pa.
Sapagka't kung kayo'y manumbalik sa Panginoon, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangagkakasumpong ng habag sa harap nilang nagsibihag, at magsisibalik sa lupaing ito: sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y manumbalik sa kaniya. Sa gayo'y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon: nguni't sila'y tinatawanang mainam, at tinutuya sila.

Mga Gawa 2:1-13

At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako. At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.magbasa pa.
At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit. At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika. At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito? At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan? Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia, Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga naging Judio, Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios. At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito? Datapuwa't ang mga iba'y nanganglilibak na nangagsabi, Sila'y puno ng bagong alak.

Mga Gawa 17:17-18

Kaya't sa sinagoga'y nakipagmatuwiran siya sa mga Judio at sa mga taong masisipag sa kabanalan, at sa araw-araw sa pamilihan sa mga nakikipagkita sa kaniya. At ilan naman sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At sinabi ng ilan, Anong ibig sabihin ng masalitang ito? binagabag ang mga iba, Parang siya'y tagapagbalita ng mga ibang dios: sapagka't ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay na maguli.

Mga Hebreo 11:36

At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:

Awit 22:6-8

Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan. Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:

Job 12:4

Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa, ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya: Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.

Job 16:10

Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin.

Job 19:18

Pati ng mga bata ay humahamak sa akin; kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:

Job 30:1

Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.

Jeremias 20:7

Oh Panginoon, iyong hinikayat ako, at ako'y nahikayat; ikaw ay lalong malakas kay sa akin, at nanaig ka: ako'y nagiging katatawanan lahat ng araw, bawa't isa'y tumutuya sa akin.

Panaghoy 2:15-16

Lahat na nangagdaraan ay ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo; sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi, Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa? Ibinukang maluwang ng lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo: sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya; tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, aming nakita.

Sofonias 2:8-11

Aking narinig ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan. Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, pag-aari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng nalabi sa aking bansa. Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo.magbasa pa.
Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa.

Isaias 28:22

Huwag nga kayong mapagtuya, baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay: sapagka't ang paglipol na ipinasiya, narinig ko sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, sa buong lupa.

Awit 2:4-5

Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan. Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:

Awit 59:8

Nguni't ikaw, Oh Panginoon, tatawa sa kanila; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a