8 Bible Verses about Kaligtasan sa Sakit

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Psalm 73:5

Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.

Isaiah 28:15

Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,

Exodus 8:22-23

At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa. At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito.

Deuteronomy 7:15

At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.

Psalm 16:10-11

Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.

Luke 10:19

Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.

Revelation 20:6

Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

1 Corinthians 2:15

Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a