5 Talata sa Bibliya tungkol sa Kalinisan at Disimpeksyon
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal. At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama. At siya'y mananatiling tatlong pu't tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal, o papasok man sa santuario, hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis.magbasa pa.
Nguni't kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu't anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo.
At tungkol sa iyong kapanganakan, nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod, o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka; ikaw ay hindi pinahiran ng asin, o nabalot man.
At sa mga ito ay magiging karumaldumal kayo: sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon: At sinomang bumuhat ng bangkay ng mga iyan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. Bawa't hayop na may hati ang paa na hindi baak, o hindi ngumunguya, ay karumaldumal sa inyo: bawa't humipo sa mga iyan ay magiging karumaldumal.magbasa pa.
At anomang inilalakad ang kaniyang pangamot sa lahat ng hayop na inilalakad ang apat na paa, ay karumaldumal nga sa inyo: sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. At ang bumuhat ng bangkay ng mga iyan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: mga karumaldumal nga sa inyo. At ang mga ito'y karumaldumal sa inyo, sa mga umuusad na nagsisiusad, sa ibabaw ng lupa: ang bubwit, at ang daga, at ang bayawak ayon sa kaniyang pagkabayawak; At ang tuko, at ang buwaya, at ang butiki, at ang bubuli at ang hunyango. Ang mga ito'y karumaldumal sa inyo sa lahat ng umuusad: sinomang mangakahipo sa mga iyan pagka ang mga iyan ay patay, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. At yaong lahat na kabagsakan ng mga iyan, pagka patay, ay magiging karumaldumal nga: maging alin mang kasangkapan kahoy, o bihisan, o balat, o supot, alin mang kasangkapang ginagamit sa anomang gawa, sa tubig dapat ilubog, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon; kung magkagayo'y magiging malinis. At bawa't sisidlang lupa na kahulugan ng mga iyan, lahat ng nalalaman doon ay magiging karumaldumal, at yao'y inyong babasagin. Lahat ng pagkain na makakain na kabuhusan ng tubig, ay magiging karumaldumal; at lahat ng inuming maiinom na masilid sa alin man sa mga gayong sisidlang lupa, ay magiging karumaldumal. At lahat na kahulugan ng anomang bahagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal; maging hurno o kalan ng mga palyok, ay babasagin: mga karumaldumal nga at magiging karumaldumal sa inyo. Gayon ma'y ang isang bukal o ang isang balon, na tipunan ng tubig, ay magiging malinis: datapuwa't ang masagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal. At kung mahulugan ng kanilang bangkay ang alin mang binhing panhasik na ihahasik, ay malinis. Nguni't kung nabasa ang binhi at mahulugan ng bangkay ng mga yaon, ay magiging karumaldumal sa inyo. At kung ang anomang hayop na inyong makakain ay mamatay; ang makahipo ng bangkay niyaon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. At ang kumain ng bangkay niyaon ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: gayon din ang bumuhat ng bangkay niyaon, ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
At ang lamang masagi sa anomang bagay na karumaldumal ay hindi kakanin; yao'y susunugin sa apoy. At tungkol sa lamang hindi nahawa, lahat ng taong malinis ay makakakain niyaon.
At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw.