9 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Kamatayan ng mga Banal, Kahihinatnan ng
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.
At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.
Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.
Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:
Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.
Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.
At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
Mga Katulad na Paksa
- Cristo at ang mga Tao sa Espiritu
- Espirituwal na Korona
- Hukuman
- Huling Paghuhukom
- Huling mga Bagay
- Ikalawang Buhay
- Kahirapan, Kaaliwan sa Oras ng
- Kamalayan sa Pagdating ng Kamatayan
- Kamatayan ng Bayan ng Diyos
- Kamatayan ng mga Banal
- Kamatayan ng mga Matuwid
- Kapahingahan, Walang Haggang
- Kapighatian, Mga Martir sa Panahon ng
- Korona, Para sa Bayan ng Diyos
- Milenyo
- Mortalidad
- Pagibig sa Diyos
- Pagtulog at Kamatayan
- Pangkalahatan ng Kamatayan
- Presyo, Mga
- Sarili, Disiplina
- Walang Hanggan, Tanaw sa
- Walang Hanggang Buhay, Kalikasan ng
- Walang Hanggang Kahatulan