15 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Katapatang Loob

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 20:7

Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.

2 Corinto 7:2

Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, hindi namin dinaya ang sinoman.

Mga Bilang 16:15

At si Moises ay nag-init na mainam, at sinabi sa Panginoon, Huwag mong pagpitaganan ang kanilang handog: ako'y hindi kumuha ng isang asno sa kanila ni gumawa ng masama sa kanino man sa kanila.

Mga Gawa 8:18-23

Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi, Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo. Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.magbasa pa.
Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagka't ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios. Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso. Sapagka't nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.

Job 2:10

Nguni't sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kaniyang mga labi.

Daniel 6:1-4

Minagaling ni Dario na maglagay sa kaharian ng isang daan at dalawang pung satrapa, na doroon sa buong kaharian; At sa kanila'y tatlong pangulo, na si Daniel ay isa; upang ang mga satrapang ito ay mangagbigay-alam sa kanila, at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapanganiban. Nang magkagayo'y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa, sapagka't isang marilag na espiritu ay nasa kaniya; at inisip ng hari na ilagay siya sa buong kaharian.magbasa pa.
Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapat siya, walang anomang kamalian ni kakulangan nasumpungan sa kaniya.

Awit 7:8

Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan: iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.

Genesis 20:3-10

Datapuwa't naparoon ang Dios kay Abimelech sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay dili iba't isang patay dahil sa babaing iyong kinuha; sapagka't siya'y asawa ng isang lalake. Nguni't si Abimelech ay hindi pa, nakasisiping sa kaniya: at nagsabi, Panginoon, papatayin mo ba pati ng isang bansang banal? Hindi ba siya rin ang nagsabi sa akin, Siya'y aking kapatid? at si Sara man ay nagsabi, Siya'y aking kapatid; sa katapatang loob ng aking puso, at kawalang sala ng aking mga kamay, ay ginawa ko ito.magbasa pa.
At sinabi sa kaniya ng Dios sa panaginip: Oo, talastas ko, na sa katapatang loob ng iyong puso ay ginawa mo ito, at hinadlangan din naman kita sa pagkakasala ng laban sa akin: kaya't hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya. Ngayon nga'y isauli mo ang asawa ng lalaking ito; sapagka't siya'y profeta, at ikaw ay ipananalangin niya, at mabubuhay ka: at kung di mo siya isauli, ay talastasin mong walang pagsalang mamamatay ka, ikaw at ang lahat ng iyo. At si Abimelech ay bumangong maaga ng kinaumagahan at tinawag ang lahat niyang bataan, at sinabi sa kanilang pakinig ang lahat ng bagay na ito: at ang mga tao'y natakot na mainam. Nang magkagayo'y tinawag ni Abimelech si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Anong ginawa mo sa amin? at sa ano ako nagkasala laban sa iyo, na dinalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan? Ginawan mo ako ng mga gawang di marapat gawin. At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong nakita mo na ginawa mo ang bagay na ito?

Awit 41:12

At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako sa aking pagtatapat, at inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailan man.

Kawikaan 11:3

Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.

Topics on Katapatang Loob

Katapatang Loob, Halimbawa ng

Job 2:9-10

Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka.

Never miss a post

n/a