9 Talata sa Bibliya tungkol sa Katiyagaan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira:
Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin;
Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;
Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.
Mga Katulad na Paksa
- Agape na Pagibig
- Ang Kahinahunan ng Bayan ng Diyos
- Empatya
- Kabutihan bilang Bunga ng Espiritu
- Kagalakan ng Iglesia
- Kagalakan, Puspos
- Kahinahunan
- Kahinahunan bilang Bunga ng Espiritu
- Kahirapan, Mga
- Kapakumbabaan
- Kapakumbabaan
- Kapakumbabaan
- Kapatiran, Pagibig sa
- Kasalanan at ang Katangian ng Diyos