36 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Kawalang Kabuluhan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mangangaral 4:4

Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Awit 12:2

Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.

Mangangaral 2:1

Sinabi ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya't magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan.

Job 7:3

Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.

Job 7:16

Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.

Awit 39:5

Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)

Awit 39:11

Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)

Awit 119:37

Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.

Awit 144:4

Ang tao ay parang walang kabuluhan: ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.

Mangangaral 1:2

Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan.

Mangangaral 2:11-26

Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw. At ako'y pumihit upang masdan ang karunungan, at ang kaululan at ang kamangmangan; sapagka't ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga'y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan. Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan, na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim.magbasa pa.
Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo, at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman: at gayon ma'y aking namalas na isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat. Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin; at bakit pa nga ako naging lalong pantas? Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, na ito man ay walang kabuluhan. Sapagka't kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang, walang alaala magpakailan man; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang! Sa gayo'y ipinagtanim ko ang buhay; sapagka't ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin: sapagka't lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw: yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin. At sinong nakakaalam kung siya'y magiging isang pantas o isang mangmang? gayon ma'y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa, na aking ginawa, at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan. Kaya't ako'y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw. Sapagka't may tao, na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan, at ng kaalaman, at ng kabihasnan; gayon ma'y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan. Sapagka't ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa, at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw? Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan. Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios. Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin? Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Mangangaral 3:19

Sapagka't ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid baga'y isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagka't lahat ay walang kabuluhan.

Mangangaral 4:4-8

Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman. Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.magbasa pa.
Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw. May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.

Mangangaral 4:16

Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya.Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Mangangaral 6:2-4

Ang tao na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan, pag-aari, at karangalan, na anopa't walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa, gayon ma'y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon, kundi iba ang kumakain niyaon; ito'y walang kabuluhan, at masamang sakit. Kung ang isang tao ay magkaanak ng isang daan, at mabuhay na maraming taon, na anopa't ang mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami, nguni't ang kaniyang kaluluwa ay hindi mabusog ng mabuti, at bukod dito ay wala siyang pangpalibing; aking sinasabing maigi ang isang naagas kay sa kaniya: Sapagka't dumarating na walang kabuluhan, at yumayaon sa kadiliman, at ang pangalan niyaon ay natatakpan ng kadiliman;

Mangangaral 6:9-11

Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. Anomang nangyari, ang pangalan niyaon ay natawag nang malaon, at kilala na siya'y tao: ni hindi maaaring makipagtalo siya sa lalong makapangyarihan kay sa kaniya. Yamang maraming bagay na nangagdaragdag ng walang kabuluhan, ano ang lalong ikinaigi ng tao?

Mangangaral 7:6

Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan.

Mangangaral 8:10

At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing, at nagsidating sa hukay; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal, at nalimutan sa bayan: ito man ay walang kabuluhan.

Mangangaral 8:14

May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa; na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama; muli, may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid; aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan.

Mangangaral 11:8-10

Oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; nguni't alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman, sapagka't magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan. Ikaw ay magalak, Oh binata, sa iyong kabataan: at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: nguni't talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan. Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka't ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan.

Mangangaral 12:8

Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan.

Isaias 41:29

Narito, silang lahat, ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan.

Isaias 44:9

Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.

Mga Taga-Roma 8:19-20

Sapagka't ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa

Deuteronomio 32:21

Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios; Kanilang minungkahi ako sa galit sa kanilang mga walang kabuluhan: At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan: Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa.

1 Mga Hari 16:13

Dahil sa lahat ng mga kasalanan ni Baasa, at mga kasalanan ni Ela na kaniyang anak, na kanilang ipinagkasala, at kanilang ipinapagkasala sa Israel, upang mungkahiin sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan.

Jeremias 2:5

Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Jeremias 10:8

Kundi sila'y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang.

Jeremias 16:19

Oh Panginoon, aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na hindi mapapakinabangan.

Topics on Kawalang Kabuluhan

Ang Kawalang Kabuluhan ng Kaalaman ng Tao

Isaias 44:25

Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;

Never miss a post

n/a