7 Bible Verses about Kristyano, Tinawag na Bilanggo ni Cristo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Ephesians 3:1

Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,

Ephesians 4:1

Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,

Philemon 1:1

Si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa,

Philemon 1:9

Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y bilanggo ni Cristo Jesus:

Philemon 1:23

Binabati ka ni Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus;

Romans 16:7

Batiin ninyo si Andronico at si Junias, na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.

Hebrews 13:3

Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a