16 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Kusang Loob na Alay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Levitico 22:17-22

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinakahandog na susunugin; Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing.magbasa pa.
Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo. At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon. Bulag, o may bali, o may hiwa, o may sugat, o galisin, o malangib, ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon, ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.

Levitico 7:16

Nguni't kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis:

Awit 54:6-7

Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti. Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.

Deuteronomio 16:9-12

Pitong sanglinggo ang iyong bibilangin sa iyo: mula sa iyong pagpapasimulang isuot ang panggapas sa mga nakatayong trigo ay magpapasimula kang bumilang ng pitong sanglinggo. At iyong ipagdidiwang ang kapistahan ng mga sanglinggo sa Panginoon mong Dios na may dulot ng kusang handog ng iyong kamay, na iyong ibibigay, ayon sa ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios: At ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios, ikaw at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa gitna mo, sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan.magbasa pa.
At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa Egipto: at iyong gaganapin at gagawin ang mga palatuntunang ito.

Exodo 35:20-29

At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises. At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan. At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.magbasa pa.
At bawa't taong may kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala. Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala. At lahat ng mga babaing matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino. At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing. At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral; At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan. Ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.

2 Paralipomeno 31:14

At si Core na anak ni Imna na Levita, na tagatanod-pinto sa silanganang pintuang-daan, ay katiwala sa mga kusang handog sa Dios, upang magbahagi ng mga alay sa Panginoon, at ng mga kabanalbanalang bagay.

Ezra 1:4-6

At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem. Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem. At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pag-aari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog.

Ezra 2:68

At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila'y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan:

Ezra 7:16

At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia, pati ng kusang handog ng bayan, at ng mga saserdote, na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem;

Ezra 8:28

At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.

Nehemias 7:70-72

At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote. At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak. At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.

Ezekiel 46:11-12

At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya, at isang hin ng langis sa isang efa. At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng kusang handog, ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon, may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y lalabas siya; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan.

Mga Bilang 29:39

Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga panata, at sa inyong mga kusang handog, na mga pinakahandog ninyong susunugin, at ang inyong mga pinakahandog na harina, at ang inyong mga pinakainuming handog, at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.

Deuteronomio 12:5-6

Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon: At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan:

Amos 4:5

At kayo'y mangaghandog ng hain ng pasasalamat na may lebadura, at kayo'y mangaghayag ng kusang mga handog at inyong itanyag; sapagka't ito'y nakalulugod sa inyo, Oh ninyong mga anak ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

Topics on Kusang Loob na Alay

Hayop, Kusang Loob na Alay na

Levitico 22:17-25

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Never miss a post

n/a