14 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Lumubog

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 69:1-2

Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.

Jonas 2:3

Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.

Panaghoy 3:54

Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.

Mateo 8:24

At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog.

Marcos 4:37

At nagbangon ang isang malakas na bagyo, at sinasalpukan ang daong ng mga alon, na ano pa't ang daong ay halos natitigib.

Awit 69:15

Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin.

Awit 144:7

Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa;

Jonas 2:5

Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.

Awit 32:6

Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.

Awit 124:4

Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:

Awit 124:5

Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.

Lucas 8:23

Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban.

Never miss a post

n/a