7 Bible Verses about Mainiting Paguugali

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Proverbs 14:17

Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.

Proverbs 14:29

Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.

Proverbs 29:11

Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.

Proverbs 29:22

Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.

Proverbs 15:18

Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.

Proverbs 19:19

Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.

Proverbs 22:24

Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama:

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a