12 Talata sa Bibliya tungkol sa Maringal na Kautusan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.
At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?
Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos:
Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.
Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?
Tagasaway sa mga di nakaaalam, guro ng mga bata, na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan;
Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.
Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.
Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.
Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim:
Sapagka't ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob: